Dalawang lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Quiapo, Maynila

34

Patay ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin sa may bahagi ng Quezon Blvd. sa Quiapo, Maynila.

Sa paunang imbestigasyon, sakay ng jeep ang dalawang hindi pa nakikilalang biktima na sinasabing kalalaya lamang ng Manila City Jail.


Ang dalawa ay nakulong dahil sa kasong robbery hold-up at illegal possesion of firearms kung saan dalawang riding-in-tandem ang suspek sa pamamaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang hawak na rin ng mga pulis ang jeepney driver, na magsisilbing testigo sa krimen.

Kwento naman ng hindi pa pinangalanang jeepney driver, sumakay ang nasa apat na tao, kasama ang dalawang biktima nang biglang may narinig siyang putok kung saan agad daw siyang umiwas at dumapa upang hindi matamaan ng baril.

Facebook Comments