Dalawang lalaki, patay sa magkakahiwalay na insidente sa Pangasinan

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente sa Pangasinan.
Sa Barangay Dilan, Pozorrubiom, isang magsasaka na kinilalang si Gregorio Manapao na nagtamo ng mga tama sa likod at sa kaliwang braso nito.

Ayon kay p/Sr. Insp. Jervel Rillorta, Deputy Chief ng Pozorrubio Police – pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo galing sa isang lamay nang pagbabarilin ito.
Hindi alam ng mga kaanak ang motibo ng mga salarin at ang hiling na lamang nila ay hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.
Sa kabilang banda, sa lungsod ng Malasiqui, Pangasinan, patay ang isang lalaki na pinangalanang Cesar Viray sa pamamaril gamit ang m16 rifle.

Hindi din matukoy ng pulisya kung ano ang motibo ng mga salarin na sakay ng putting l300 na walang plaka.
Patuloy ang imbestigasyon sa dalawang insidente.
DZXL558


Facebook Comments