Dalawang lalaki, patay sa pamamaril sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Manuel Fajardo, 34-anyos at Ramon Mesa, 39 anyos.

Ayon kay Vergelyn Valenzona, live in partner ni Fajardo, nasa loob na sila ng kanilang bahay ng sapilitang pumasok ang apat na lalaking nakasuot ng kulay itim na t-shirt, maskara at armado ng mga baril.


Aniya, pinadapa ng mga ito si Fajardo saka pinagbabaril sa ulo.

Sinunod naman aniya ng mga suspek si mesa na noon ay nanonood ng TV.

Inaalam na ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.
DZXL558

Facebook Comments