Sugatan ang dalawang lalaking stay-in sa isang commercial establishment na nasunog kaning alas-3:00 ng madaling araw sa bahagi ng S. Veloso St., Barangay Salapan, San Juan City
Ito’y ayon kay Barangay Chairman Charles Tejoso, kung saan ang kanyang Barangay Fire Volunteers ang unang rumesponde sa sunog.
Aniya, nakilala ang dalawang lalaking sugatan na sina Agustin Pagnatnan, nasugatan ang kaliwang paa matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng gusali dahil sa panic.
At si Edril Manarel, natamo naman ng first degree burn sa kanyang katawan.
Ang mga nasabing sugatan ay na mga stay-in worker ng automation security incorporated na supplier ng mga security camera.
Ito ang gusaling may apat na palapag na nasunog naumabot ng ika-lawang alarma ang sunog pasado alas-4:17 ng madaling araw.
Idineklara naman fire out ang sunog pasado alas-7:12 ngayong umaga.
Wala naman nasawi sa sunog at hindi naman nadamay ang mga kalapit na gusali at bahay sa pinangyarihan ng sunog.
Patuloy pa ring inaalam ang sahi ng sunog at halaga ng tinupok ng apoy.