DALAWANG LALAKI SUGATAN SA AKSIDENTE SA BINALONAN, PANGASINAN

Sugatan ang dalawang lalaki matapos masangkot sa isang aksidente sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sumabnit, Binalonan, Pangasinan noong Oktubre 27, 2025.

Batay sa imbestigasyon, kapwa naglalakbay sa parehong direksyon ang dalawang motorsiklo sa hilagang bahagi ng kalsada.

Ayon sa CCTV footage, ang unang sasakyan ay bumabaybay sa shoulder lane habang ang isa naman ay nasa inner lane.

Pagdating sa lugar ng insidente, tinangkang lumiko pakaliwa ng unang sasakyan upang pumasok sa kalsadang barangay, subalit nabangga ito ng kasunod na motorsiklo.

Dahil sa banggaan, parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang drayber.

Agad silang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO Binalonan para sa medikal na paggamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments