DALAWANG LALAKI, TIMBOG SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA BAYAMBANG

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Bayambang Police kahapon ng umaga, December 8, sa Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na isang 27-anyos na walang trabaho at isang 49-anyos na driver, kapwa residente ng Bautista, Pangasinan.

Sinugod ng Bayambang MPS ang operasyon kasama ang PDEA Region 1.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 3 gramo ng hinihinalang shabu na may halaga umanong higit ₱20,000, nakapaloob sa tatlong sachet.

Narekober din ang isang dusted ₱500 bill na ginamit sa transaksyon, dalawang cellphone, at isang tricycle.

Nagsagawa naman ng on-site inventory ang mga operatiba.

Dinala na rin sa istasyon ang mga suspek para harapin ang mga kasong may kinalaman sa droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments