Dalawang lalaking kabilang sa drug watchlist sa Marikina City, arestado

Huli ang dalawang lalaki na kabilang sa drug watchlist sa Marikina City matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police Office.

Kinilala ang mga ito na sina Harvey Lord Mogan, 22-anyos, at Gerald Nero, 24-anyos.

Sa ulat ng Eastern Police District, isinagawa ng Marikina Police ang buy-bust operation sa Sunkist St., Dona Petra Compound, Brgy. Tumana, Marikina City.


Dahil dito, naaresto ang dalawang suspek at nakuha sa kanila ang apat na plastic sachet na may lamang shabu na aabot sa dalawang gramo na may street value na ₱13, 600 at isang piraso ng ₱500.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012.

Facebook Comments