
Kalaboso ang dalawang lalaking na nahuling nagnakaw ng cellphone sa loob ng Female Comfort Room sa Car Park 2 ng NAIA Terminal 2.
Ayon sa report ng Pulisya, ang dalawang lalaking nasa edad 23 at 18 ay nakitang pumasok sa palikuran ng mga babae sa NAIA 2 at kinuha ang cellphone ng biktima.
Agad naman nakahingi ng tulong ang biktima na empleyado ng isang maintenance company sa mga nagpapatrolyang Police at hinabol ang papatakas na kawatan.
Nang maabutan ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek, agad isinagawa ang body search at natagpuan ang ninakaw na cellphone nagkakahalagang P12,000 at positibong kinilala ng biktima na kanya itong pagmamay-ari.
Dinala sa Police station ang dalawang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.
Nagpaalala naman ang nga awtoridad na maging alerto at bantayanv maigi ang kanilang gamit sa mga matataong lugar.









