Dalawang lalaking suspek sa magkasunod na kaso ng budol-budol, nadakip sa entrapment operation

Sa Cagayan De Oro, nadakip sa entrapment operation ng Cagayan De Oro City Police Office ang dalawang lalaking suspects sa magkasunod na budol budol dito sa syudad ng CDO.

Ang mga suspects ay nakilalang sina Eric Marangit, 44 anyos, may asawa, taga Muhon, Tagoloan, Misamis Oriental at Jerome Amarille, 27 anyos, may asawa at taga Barangay Taguanao.

Ang dalawa ay nagsabwatan na magbebenta ng isang box ng millennium ruthenium powder, isang chemical na gamit sa pagproseso ng ginto pero napag-alaman na compact na iodized salt at mongo seeds ang laman ng nasabing box.


Nakuha mula sa mga suspects ang dalawang libong entrapment money, dalawa pang boxes ng nasabing produkto, budol money, dalawang granada at armas na may apat na bala.

Facebook Comments