Dalawang lalaking suspek sa Robbery Extortion sa Pasig City, arestado

Timbog ang dalawang lalaking suspek sa robbery extortion sa lungsod ng Pasig matapos isagawa ang entrapment operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Engelbert Diano Rollenas, 22 years old at Jayson Soriano Bobis, 41 years old, mga residente ng Pasig City.

Habang isa naman kasabwat nila na si Romelito Dela Cruz Fernandez, 23 years old, residente rin ng nasabing lungsod ay nakatakas.


Batay sa ulat ng Pasig Philippine National Police (PNP), inireklamo ang mga suspek ng kanilang biktimang si Christopher Jayson Pineda Bacani kaugnay sa robbery extortion.

Kaya naman agad na ginawa ang entrapment operation pasado alas-4:00 ng hapon noong November 14, 2021 sa loob ng Bon Chon Fast Food Chain, IPI, Barangay Ugong, Pasig City.

Nakakulong na ang mga suspek sa Pasig PNP custodial facility at nahaharap sa kasong robbery extortion.

Facebook Comments