Dalawang lalaking tulak ng umano’y shabu sa Pasig, arestado

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa Barangay Buting, Pasig City, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Reynaldo Montero Consensino, alyas “Payat”, 24-anyos at Brian Jolo Fulgencio Jacoba, 21-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 3.3 grams ng umano’y shabu at nagkakahalaga ng P22,440.


Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Bunyi Street, tapat ng Surge Shop, Brgy. Buting, Pasig City matapos makumpirma ang pagbebenta ng mga suspek ng umano’y shabu sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Pasig City Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments