Dalawang lalaking umano’y tulak ng droga, arestado sa buy-bust operation sa Pasig City

59

Timbog ang dalawang lalaking suspected drug pusher ng Pasig City matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis.

Nakilala ang mga suspek na sina Richard Bitchaida Radan, 32 years old at si Jayden Aldea Buenaobra, 24 years old na parehong mga residente ng Barangay Rosario ng lungsod ng Pasig.


Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang damping gramo ng shabu na may katumbas na halagang animnapu’t walong libong piso at isang limang daang piso na ginamit bilang buy-bust money.

Ayon kay Police Captain Allan Hernandez ng Pasig Police, na ginawa ang nasabing operasyon sa Tramo, Rosario, Pasig City, bandang alas 2:00 kaninang madaling araw.

Nakakulong na ang suspek sa Eastern Police District o EPD at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments