Dalawang lesbian, binugbog ng grupo ng lalaki sa London Bus

297
Image via Huffington Post

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyaring insidente sa dalawang lesbian na binugbog at pinagnakawan ng grupo ng lalaki sa London Bus nitong Mayo 30.

Ayon kay Melania Geymonat, 28, kasama niya ang si Chris, na isang lesbian, sa isang date nang mangyari ang insidente. Papunta sila sa bayan ng Camden.


Ibinahagi ni Geymonat na pinagki-kiss raw sila ng apat na lalaki, pinag-aakto ng sekswal na posisyon at tinatawag na ‘lesbians’ ang dalawa.

Nagpanggap pa raw si Chris na may sakit ngunit hindi sila tumigil sa pagbato ng mga barya sa kanilang dalawa kaya’t lumaban na si Chris sa mga lalaki.

Nang pagsusuntukin si Chris, sinunod naman siya ng mga lalaki.

Sa kaniyang salayasay, hindi na niya matandaan ang nangyari kung nahimatay siya o hindi.

Sinabi niya ring nanakawan sila ng mga gamit.

Kinumpirma na ng Met Police na kanilang iniimbestigahan ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers