Dalawang LGUs sa bansa, ginawaran ng prestihiyosong Nutrition Honor Award ng National Nutrition Council, outstanding nutrition action officers, tumanggap din ng award

Nagmula sa Bukidnon at Davao del Norte ang lokal na pamahalaan na ginawaran ng prestihiyisong Nutrition Honor Award sa katatapos na 2021 Regional Nutrition Awarding Ceremony ng National Nutrition Council.

Ang Nutrition Honor ay ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng National Nutrition Council sa top Local Government Units (LGUs) na may namumukod tanging plano, management at implementasyon ng kanilang local nutrition programs.

Nakuha ng Manolo Fortich LGU sa Bukidnon at Tagum City LGU, sa Davao del Norte ang Nutrition honor.


Ang nahirang na National outstanding nutrition action officer ay si Marichu Tijing ng Misamis Occidental, si Nenita Rabe ng Cagayan de Oro ang napiling Municipal nutrition action officer.

Si Grace Jardin ng Sorsogon naman ang itinaghal na District nutrition program coordinator.

Para sa Municipal nutrition programs coordinator, iginawad ito kay Bhen zar Sam ng Maco, Davao de Oro.

Si Aurelia Aguilar ng Aoqui, Luna, La Union ay nahirang na Top barangay nutrition scholar.

Ang awardees ay tumanggap ng tig P150,000 na cash reward at trophy.

 

Naging panauhing pandangal sa okasyon si Senador Francis Tolentino.

Facebook Comments