Nakalikom na ng 53 litro ng dugo ang Philippine Air Force (PAF) mula sa 119 na blood donors sa Villamor Airbase sa unang araw ng kanilang inilunsad na nationwide blood letting activity.
Ang aktibidad na sinimulan nitong Marso 31 ay isinasagawa sa lahat ng base at istasyon ng PAF sa buong bansa.
Ito ay naisasakatuparan ngayon sa pamamagitan ng tulong ng iba’t-ibang Department of Health (DOH)-accredited medical institutions at Philippine Red Cross sa Lipa City, Pampanga, Tarlac City, Puerto Princesa City, Zamboanga City, Lucena City, San Fernando Pampanga, Clarkfield Pampanga, Cebu City, Davao City at Quezon City.
Layunin ng aktibidad na tatagal hanggang June 15 na makalikom ng 280 litro ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Aktibong nakiisa sa blood-letting activity ang PAF personnel bilang pagsuporta sa community healthcare efforts.