Dalawang linggong ECQ, hiling ng Metro Manila mayors

Muling iginiit ng Metro Manila mayors na ang dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay “ideal” para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, lahat ng alkalde ay nakapirma sa resolusyon para irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mahigpit na quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

Ito aniya ang gusto ng NCR mayors basta mayroon pang pondo ang national government para magsagawa ng social amelioration program (SAP).


Sa ilalim din ng proposed two-week ECQ, dapat ding palakasin ang vaccination.

Kung hindi naman kaya ay magpapanukala sila ng ilang restrictions kabilang ang paglilimita sa kapasidad ng ilang establisyimento.

Sinabi rin ni Abalos na iprinisenta niya kay Pangulong Duterte ang hiling ng NCR mayors pero hindi niya alam na naka-“mute” pala siya.

Sa ngayon, mananatili ang NCR sa General Community Quarantine with heightened restrictions sa buwan ng Agosto.

Facebook Comments