Dalawang linggong ECQ sa NCR+, posible – MMDA

Hindi inaalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakaroon ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble.

Pero umaasa si MMDA Chairperson Benhur Abalos na hindi na hahantong pa sa two-week ECQ ang sitwasyon.

Aniya ang Inter-Agency Task Force (IATF) pa rin ang magpapasya dahil kailangang magkaroon ng calibration hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya.


Ang layunin ng mahigpit na quarantine ay makapagluwag at makapagpahinga ang mga ospital mula sa paglobo ng COVID-19 cases.

Facebook Comments