Hindi naging magandang estratehiya ang ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit lalawigan para makontrol ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mas lalo lang nagkaroon ng malaking epekto ang dalawang linggong MECQ sa kabuhayan ng mga tao.
Mas epektibo pa rin kasi aniya ang implementasyon ng granular lockdown sa mga lugar na may mataas ang kaso ng COVID-19.
Matatandaang isinailalim sa MECQ mula Agosto 4 hanggang 18 ang National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan kasunod ng hirit na ‘time-out’ ng mga health worker para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments