Ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pansamantalang pagpapasara sa ilang negosyo sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Ito ay para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Simula ngayong araw, March 19 hanggang April 4, tigil-operasyon muna ang mga sumusunod na industriya:
Driving schools
Traditional cinemas
Videos and interactive game arcades
Libraries
Archives
Museums
Cultural events
Limited social events
Limited tourist attractions maliban kung open-air
Nito lang kalagitnaan ng Pebrero nang payagang magbukas ang mga sinehan, arcades at driving school.
Samantala, lilimitahan naman sa 30% capacity ng mga venue sa GCQ areas ang pasasagawa ng meetings, conferences at exhibition.
Magpapatupad din ng 30% seating capacity para sa mga religious gatherings basta’t walang pagtutol mula sa mga lokal na pamahalaan.
Habang ibinaba rin sa 50% ang maximum venue capacity ng mga dine-in restaurants, cafes at personal care services.
Suspendido naman ang sabong at operasyon ng sabungan sa GCQ at modified GCQ areas.