Dalawang local airlines, nagdagdag ng sweepers flight para sa mga OFW na uuwi sa iba’t ibang lalawigan sa bansa

Dahil sa sunod-sunod na pagdating ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagdagdag ng sweepers flight ang dalawang local airlines patungo sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) alas-8:25 ngayong umaga nakatakdang lumipad ang Cebu Pacific flight 5J 643 mula Manila patungong Puerto Princesa.

Susundan ito ng PAL flight 2P 4453 mula Manila patungo sa General Santos City kung saan ang departure nito ay alas-2:00 ng hapon sa NAIA Terminal 2.


Alas-2:05 naman ng hapon lilipad din ang PAL flight 2P 4997 mula Manila patungong Zamboanga kung saan karamihan sa mga pasahero ay mga OFW na nakatapos na ng kanilang 14 days quarantine sa Metro Manila.

Samantala, isang arrival naman ng Cebu Pacific flight 5J 644 mula Puerto Princesa patungong Manila ang inaasahang lalapag ng alas-11:50 ng umaga sa NAIA Terminal 3.

Facebook Comments