DALAWANG LOLA SA SAN FERNANDO, LA UNION, TUMANGGAP NG ₱100K BILANG PAGKILALA SA KANILANG PAGIGING CENTENARIAN

Opisyal na kinilala ang dalawang lola sa lungsod ng San Fernando bilang mga bagong centenarian sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Office of Senior Citizen Affairs (OSCA).

Ito ay sina Idol Urbana C. Ancheta mula Barangay I at Idol Pacencia C. Dumaguin mula Barangay III na parehong umabot sa edad na 100 taong gulang.

Bilang pagkilala, tumanggap ang dalawang lola ng certificate of felicitation at tig-₱100,000 na cash gift bilang bahagi ng benepisyong ibinibigay sa mga centenarian sa lungsod.

Isang simpleng paalala ito sa lahat na ang mahabang buhay ay biyaya, at ang bawat taong nadaragdagan ay isang tagumpay na hindi lang para sa pamilya, kundi para sa buong komunidad.

Facebook Comments