Dalawang low pressure area, aasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Photo Courtesy: PAGASA

Mababa ang tiyansang makapasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR)  ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Kanluran ng Luzon.

Ngunit ayon sa PAGASA, mas malaki ang tyansang maging bagyo ang LPA na huling namataan ang sa layong 465 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.

Habang kumikilos sa bahagi ng Mindanao ay posibleng maging bagyo ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.


Samatala, habagat pa rin ang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Pinakaapektado ng habagat ang CALABARZON, Bataan, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Region.

Makakaranas ang mga nasabing lugar ng kalat-kalat pa rin na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ngayong araw.

Habang, asahan naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan kung saan mataas ang tiyansa ng mga pag-ulan sa hapon at gabi.

Nagpaalala rin ang PAGASA sa posibleng flash floods at landslides dahil sa mga pag-ulan.

Facebook Comments