Mayroong minomonitor ngayon ang pagasa na kasalukuyang nasa bisinad ng San Vicente, Palawan.
Posibleng maging Tropical Depression ang LPA sa loob ng 48 hours at papangalanang Odet. Nakatakdang tahakin ni Odet ang Western Part ng Luzon at magdadala ng pulo-pulong pag-uulan at pagkulog.
May isa pang binabantayang Tropical Depression sa labas ng PAR at kung titignan ang track nito nasa boundary lamang ito ng PAR sa loob ng limang araw.
Maulap na papawirin hanggang sa na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng ITCZ ang mararanasan ngayong araw.
Katamtaman hanggang sa malakas hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa hilagang luzon at sa lalawigan ng Aurora. Ang mga baybaying-dagat ay maalon hanggang sa napakaalon.
Nakataas ang gale warning sa batanes, ilocos norte, northern coast kabilang ang babuyan islands.
Sunrise today: 5:49 am
Sunset today: 5:25 pm