Dalawang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility, binabantayan ng PAGASA

Manila, Philippines – Binabantayan ngayon ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA ang LPA na nasa 212 kilometers East Northeast ng Infanta, Quezon ay maghahatid ng pag-ulan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Habang ang LPA naman na nasa 520 kilometers East Northeast ng Surigao City ay magdadala ng pag-ulan sa Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN at ARMM.


Ayon pa sa PAGASA, maliit ang tsansa na maging bagyo ang dalawang LPA, ganun pa man patuloy ang monitoring ng PAGASA.

Kapwa nakapaloob sa intertropical convergence zone o ITCZ ang dalawang LPA na tatawagin umanong Odette kapag naging bagyo.

Samantala, sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay localized thunderstorms ang iiral at maaring makaranas ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Facebook Comments