Inilagay sa special concern lockdown ang dalawang lugar sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City dahil sa mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng 1A Madelaine St. at bahagi ng Christine St. sa Apolonio Samson.
Ipinatupad ang special concern lockdown noong September 6 at magtatagal hanggang September 19, 2020.
Isinailalim din kahapon sa special concern lockdown ang GK Tabora, 228 Banlat Road, sa Tandang Sora.
Facebook Comments