Dalawang lugar sa Hilagang Luzon, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 dahil sa Bagyong Siony

Napanatili ng Bagyong Siony ang kanyang lakas habang kumikilos pa-Silangan patungong Extreme Northern Luzon.

Huling itong namataan ng PAGASA sa layong 755 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 105 kph.


Itinaas na rin ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang ilang lugar sa Northern Luzon kabilang ang mga lugar sa Hilagang bahagi ng Mainland Cagayan at Silangang bahagi ng Babuyan Islands

Dahil dito, makakaranas ng mga pag-ulan at pagbuso ng hangin ang mga nasa nabanggit na lugar sa loob ng 36 na oras.

Mahina at minsang malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Bicol Region, Norther Samar, Aurora, Quezon pati na rin ang Silangang bahagi ng Cagayan at Isabela bunsod ng Northeasterly Surface Windflow at ng trough ng bagyo.

Habang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararamdaman dito sa Metro Manila.

Tiniyak rin ng PAGASA na magiging maaliwalas ang panahon sa lungsod hanggang sa susunod na tatlong araw.

Facebook Comments