DALAWANG MAG-AARAL SA BINMALEY, WAGI SA AIMSO PHILIPPINES, SINGAPORE-INSPIRED OLYMPIAD COMPETITION

Dalawang mag-aaral mula sa Binmaley ang wagi sa nakaraang AIMSO Philippines, Singapore-Inspired Olympiad Competition.

Sina Citrine Neo Aquino at Purple Faith Aquino ay nanguna sa kanilang mga kategorya sa nasabing kompetisyon na sumasaklaw sa iba’t ibang disiplina tulad ng Mathematics, English at Science.

Ang kanilang mga tagumpay ay hindi lamang pagpapakita ng kanilang galing sa pag-iisip, kundi pati na rin ng kanilang dedikasyon at sipag sa pag-aaral.

Si Citrine Neo ay nakuha ang gold award sa kategoryang 3-4 Competition sa Science, at English at achiever award naman sa Mathematics, habang si Purple Faith naman ay nasungkit ang gold award sa 5-6 Competition sa English, achiever award sa Mathematics at merit award naman sa Science.

Ang AIMSO Philippines Olympiad ay isang prestihiyosong kompetisyon na may layuning magtaguyod ng mga kabataang talento sa agham, matematika, at iba pang agham pang-eksperimento, na inorganisa ng mga tagapagtaguyod ng edukasyon at sinusuportahan ng mga paaralan sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments