Dalawang magkaangkas sa motorsiklo sa Maynila, nasawi matapos tumilapon

Nasawi ang dalawang indibidwal makaraang salpukin ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang poste ng UE Annex University sa Recto, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District, nakilala ang mga biktima na sina Abdul Hamid Tanggo at angkas nitong si Ijay Ayoc na residente ng San Miguel, Pasig City.

Ayon sa mga nakasaksi, magkaaway ang dalawang magkaangkas habang nagmamaneho dahilan upang bumangga ito sa poste at tumilapon sila sa bangketa.


Nang dumating ang responde ay wala nang buhay ang mga biktima.

Facebook Comments