Naaresto ng mga operatiba ng Calasiao Municipal Police Station ang isang 32 anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation dakong 8:31 PM hanggang 9:10 PM noong Nobyembre 19, 2025, matapos makuhanan ng 1.8 gramo ng hinihinalang shabu.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1 batay sa kanilang Target Intelligence Packet.
Agad na inaresto ang suspek na residente ng Calasiao matapos nitong bentahan ng droga ang poseur-buyer.
Nakumpiska mula sa kanya ang 1.8 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na 12,240 pesos.
Samantala, dalawang lalaki mula sa Mapandan ang naaresto sa isa pang buy-bust operation na isinagawa ng ng operatiba.
Sa operasyon na isinagawa sa koordinasyon ng PDEA RO1, nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang 0.6 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang 4,080 pesos.
Patuloy na nagpapaalala ang pulisya sa publiko na makipagtulungan sa kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa mga komunidad.









