Mapapatatag ng dalawang (2) magkahiwalay na onshore wind project ang pangangailangan sa suplay ng enerhiya sa bansa.
Ito ang binigyang diin ng Department of Energy (DOE) kasunod ng pagsisimula ngayong taon ng malalaking proyekto na tiyak malaki ang maitutulong kasunod na rin ng nararanasang pagnipis sa suplay ng kuryente.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, may kabuuang kapasidad kasi ng enerhiya na aabot sa 440 megawatts (MW) ang maidadagdag nito na makakapag-suplay para sa mga probinsya sa Luzon at Visayas na nakakaranas ng pagnipis ng reserbang kuryente.
Target din ng naturang proyekto na i-develop ang indigenous at renewable energy sources ng bansa.
Samantala, isasagawa sa huling quarter ng taon ang unang offshore wind project sa probinsya ng Cagayan na may kapasidad na 100 megawatts (MW) habang ang nalalabing 340 megawatts naman (MW) ay sa bahagi ng Panaon Wind Project sa Panaon Island sa Leyte.