Dalawang magkahiwalay na resolusyon, inihain sa Senado kontra fake news

Manila, Philippines – Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang inihain ngayon sa Senado para maimbestigahan ang paglaganap ng fake news.

Kabilang sa naghain sina Senador Kiko Pangilinan at Senador Antonio Trillanes.

Una rito, naging kontrobersyal ang pagkalat ng isyung suhulan sa Senado, pagka-abswelto ng Pilipinas sa extra-judicial killing issue sa U.N. Human Rights Council, Vietnamese soldiers na pinalabas na litrato ng mga sundalong nag-iikot sa Marawi City at bintang ni Justice Sec. Vitalino Aguirre sa ilang taga-oposisyon na pakikipag-pulong sa ilang local officials sa Marawi.


Ayon kay Senadora Grace Poe – maging siya ay nababahala na sa pagkalat ng fake news na minsang nanggagaling pa mismo sa mga opisyal ng gobyerno.

Dahil dito, ipatatawag ni Poe sa pagdinig ng Senado si Aguirre at iba pang communications officials ng gobyerno.

Samantala, sa lunes na umano magso-sorry kay Senador Bam Aquino si Aguirre pero hindi tiyak kung hihingi rin ng dispensa kina Trillanes, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating Presidential Political Adviser Ronald Llamas.
DZXL558

Facebook Comments