Dalawang magkaibigan, na-food poison matapos kumain sa Unli seafood restaurant sa Antipolo

Antipolo City – Inireklamo ng isang magkaibigan ang isang unli seafood restaurant matapos sumama ang kanilang tiyan.

Naenggayo sina Joy Cua at Vichaelson Llave para mananghalian sa ‘Putok-Batok’ restaurant sa Antipolo dahil sa nakakatakam na pagkain na nasa kanilang menu, gaya na lamang ng ‘unli-chicken at calamares’, unli-‘liempo’ at unli-‘adobo’.

Ayon kay Vichaelson sa halagang 399 pesos, ’wan-to-sawa’ na sa chibugan.


Aniya, dahil sa unli-food ‘unli’ din ang pagpapabalik-balik niya sa banyo.

Nang isugod siya sa ospital ay dito niya na-diagnosed na na-‘food poison’.

Ganito rin ang naranasan ni Joy dahil sa pagkain ng unli-seafood.

Sinabi pa ni Vichaelson – nang i-post nila ang kanilang reklamo sa official facebook page ng restaurant.

Humingi naman ng paunmanhin ang pamunuan ng restaurant sa mga nagrereklamo.

Facebook Comments