Dalawang magkapatid, Sasampahan ng kasong Homicide matapos mapatay ang isang Binata

258

*Cauayan City, Isabela*- Sasampahan ng kasong Homicide ang dalawang magkapatid na pinaniniwalaang may gawa sa pagpatay sa isang magsasaka matapos itong matagpuan na wala ng buhay sa Irrigation Canal na sakop ng Purok 7 Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Alvin Viernes, 27 anyos, binata, habang kinilala ang mga suspek na sina Jojo Lazo, 22 anyos at Manny Lazo, 32 anyos na kapwa mga residente sa nasabing lugar.


Ayon kay P/Capt. Abdel Aziz Maximo, Hepe ng PNP Ramon, pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan ng harangin ng dalawang suspek at inayudahan na magkagulo ng isa sa mga suspek na dahilan para magbuno ang mga suspek at biktima.

Wala din umanong nakitang kahit anong bakas ng pagkasugat ang biktima.

Dagdag pa ng hepe na sa ngayon ay isinasagawa pa ang post mortem examination sa bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

Facebook Comments