Hindi na nakapalag pa ang dalawang magkapitbahay ng masakote sila ng mga awtoridad dahil sa iligal na droga.
Ang mga suspek na pawang mga residente ng Barangay 73, Caloocan City ay nakilalang mga sina Erwin Manuel at Josel Buringgot.
Nasakote sila ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan Police.
Ito’y sa ikinasang buy bust operation sa Abbey Road 2 sa Barangay 73.
Nakumpiska sa kanila ang nasa apat na sachet ng shabu na nasa 20 gramo ang bigat at may street value na higit P130,000.00.
Nabatid na si Manuel ay matagal ng tinututukan ng Caloocan PNP dahil sa kilala itong tulak ng iligal na droga sa kanilang barangay.
Facebook Comments