Dalawang Magsasaka na Nag-inuman sa Quirino Isabela, Humantong sa Pananaksak-Isa Patay!

195

Quirino, Isabela – Patay ang isa sa dalawang magsasaka matapos ang mainit na pagtatalo habang nag-iinuman na humantong sa pananaksak, pasado alas nuebe kagabi sa Brgy. Sta. Lucia, Quirino, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Rostum Ortiguero, hepe ng Quirino Police Station, aniya nagtamo ng matinding tama ng saksak sa kanang tiyan at tagiliran ang biktima na si Allan Vergara Abad, trentay dos anyos, binata samatala ang suspek na kaagad namang naaresto ay si Ferdie Corpuz Belizar, tatlumpu’t dalawang taong gulang, may asawa at pawang mga residente ng nasabing lugar.


Pahayag pa ni Police Senior Inspector Ortiguero na matapos umano ang pagtatalo ng dalawa ay umuwi ng bahay ang biktima ngunit pagbalik umano nito ay may hawak na kahoy at sinugod ang suspek.

Nagkataon naman umano na may hawak na kutsilyo si Abad at pinagsasaksak ng maraming beses si Belizar kung saan ay itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan ngunit dead on arrival na ang biktima.

Facebook Comments