Dalawang magsasaka, nakaligtas sa pananambang sa Maguindanao

*Maguindanao – *Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang mga magsasaka ng silay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan , pasado alas kwatro kamakalawa ng hapon sa Brgy. Limpongo, sa bayan ng Datu Hoffer, Maguindanao.
Kinilala ang mga biktima na sina Romeo Panggolima at Rey Dayu na pawang mga residente rin ng naturang lugar. Nabatid na pauwi na sana ang dalawa mula sa kanilang sakahan sa Sitio Buntod nang harangin at pagbabarilin ng mga armado.
Mabilis namang tumakbo ang mga biktima pauwi ng kanilang bahay upang kumuha ng kanilang armas ngunit nang balikan nila ang mga suspek ay wala na ang mga ito at tinangay pa ang kanilang mga alagang hayop.
Kabilang sa mga ninakaw ng armadong grupo ang dalawang mga kabayo at isang kalabaw na pag-aari ng mga biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at sundalo kaugnay ng naturang insidente.

Facebook Comments