DALAWANG MAGSASAKA, TIMBOG MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL AT IPINAGBABAWAL NA GAMOT

Cauayan City – Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang magsasaka matapos mahulihan ang mga ito ng baril at ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Bagnos, Aurora, Isabela.

Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Aurora PS kaugnay sa dalawang kalalakihan na nakatambay sa nabanggit na lugar kung saan ang isa ay mayroon umanong bitbit na baril.

Nang kanilang puntahan, positibo ngang nakitaan ng armas ang suspek na si alyas “Greg” at nakumpiska rito ang isang Armscor Shotgun na mayroong laman na anim na bala, habang nakuha rin kay alyas “Mico” ang isang caliber 38 revolver, pitong pirasong live ammunition ng 12 gauge shotgun, labing-anim na piraso ng caliber 38 live ammunition, isang empty shell ng caliber 38, at bukod pa rito nasamsam rin sa pag-iingat ni alyas “Greg” ang isang silyadong sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana, at iba pang personal na kagamitan.


Nadakip ang dalawa matapos bigong magpakita ng kaukulang dokumento para sa armas na kanilang dala-dala.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Aurora PS ang dalawa na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

Facebook Comments