KIDAPAWAN CITY – Posibleng makalaya na ngayong araw o sa Lunes, Abril 18 ang dalawang magsasakang naiwang nakakulong kasunod ng marahas na dispersal sa Kidapawan City.Ito ay matapos makalaya ang 76 na mga magsasakang una na ring inaresto ng mga otoridad dahil sa pagprotesta.Sa interview ng RMN kay National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) secretary-General Atty. Edre Olalia, sinabi niyang nagkaroon lang ng problema sa kanilang mga pangalan ang mga naka-ditene na sina kinilalang sina Mangga at Paunil kaya naiwan ang mga ito sa kulungan.Nabatid na umaabot sa P500, 000 ang nalikom na pera mula sa iba’t ibang grupo at maging mga kilalang personalidad na nagsilbing piyansa ng mga magsasaka.Nagkakahalaga ng P12, 000 ang piyansa ng bawat magsasaka na kinasuhan ng direct assault.
Dalawang Magsasakang Naiwan Sa Kulungan Sa Kidapawan City, Posibleng Makalaya Na Rin Ngayong Araw
Facebook Comments