Dalawang magsasakang napaslang sa Mlang North Cotabato itinuturing na Person of Interest ng Pnp

Sinasabing persons of interest ang dalawang magsasakang pinagbabaril patay sa Purok 4 Barangay Gaunan, sa bayan ng Mlang, North Cotabato nitong Huwebes
Kinilala ni Police Chief Inspector Rolly Oranza, hepe ng Mlang PNP ang mga nasawing magsasaka na sina Mario Visera, 37-anyos, may asawa ,empleyado ng Delinanas Banana Plantation sa Lower Brgy. Gaunan sa bayan ng Mlang at Reymond Patibo, 22-anyos, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.
Nasa gilid lamang ng irigasiyon ang dalawang biktima ng silay pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin.
Tama sa Iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang tinamo ng dalawa na nagsanhi ng agaran nilang kamatayan.
Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng Cal 45 pistol, at isang fired cartridge mula sa 5.56mm pistol na siiyang pinainiwalaang ginamit sa pamamaslang.
Sinabi ni Oranza na ang dalawa ay sinasabing person of interest sa pagpaslang noong October 21 sa isa ring magsasaka na si Tobias Oliveros Gorit, 62 anyos residente ng Nueva Vida, ng Mlang, North Cotabato.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments