Manila, Philippines – Dalawang mahahalagang kasunduan anginaasahang lalagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Kingdom of SaudiArabia.
Ito ang kinumpirma ni Consul General Iric Arribas kasunodng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing bansa.
Ayon kay Arribas – kabilang dito ang agreement sa pagitanng Ministry of Foreign Affairs ng Saudi Arabia at ng Department of ForeignAffairs ng Pilipinas para magkaroon ng mekanismo or procedures tungo sa regularna konsultasyon para sa iba’t ibang sektor ng kooperasyon sa pagitan ngdalawang bansa.
Ayon pa kay Arribas – isa rin sa lalagdaan ang laboragreement sa pagitan ng Department of Labor and Employment at ng Ministry of Laborand Social Development ng Saudi Arabia.
Tampok aniya sa labor agreement ang proteksyon ng mga Filipinoworker mula deployment hanggang employment mismo sa Saudi Arabia.
Inaasahan namang may maidagdag pa na maaaring mapirmahansa paghaharap nina Pangulong Duterte at King Salman mamayang hapon sa Riyadh ogabi sa Pilipinas.
Dalawang mahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia – nakatakdang lagdaan
Facebook Comments