*Manila, Philippines – Bubuksan na sa Hunyo ang Passenger Terminal Building ng Mactan-Cebu international airport na ngayon ay nasa 90% nang tapos. *
*Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa pamamagitan ng bagong proyekto na ito ay makapag-**accommodate** ng halos 13 milyong pasahero kada taon para sa international at domestic flights. *
*Bukod dito ay inaprubahan na rin ng National Economic Development Authority o NEDA ang subic clark railway project na magdurugtong sa subic bay fee ports, clark free ports at iba pang pangunahing sentrong pang ekonomiya sa gitnang Luzon.*
*Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malaki ang maitutulong ng mga proyektong ito para maibsan ang sobra nang populasyon sa Metro Manila dahil sa mga lugar na ito na makikita ang isang bagong development center dahil tiyak na bubuhos dito ang negosyo.*