Dalawang mambabatas, pina-igting ang pagsusulong na maproteksyunan ang solo parent at maparusahan ang magulang na magpapabaya sa anak

Magkatuwang na pinag-igting nina House Deputy Majority leader ACTCIS Partylist Rep. Erwin Tulfo at House Senior Deputy Minority Leader Northern Samar Paul Daza ang pagsusulong sa mga panukalang magbibigay proteksyon sa mga solo parent at magpapanagot sa mga magulang na ayaw magbigay ng suporta sa kanilang mga anak.

Ito ay ang House Bill No. 44 o “Child Support Bill” at House Bill No.8987 o “An Act Punishing the Willful Failure to Pay Paternal Child Support” sa pamamagitan ng “Anti-Balasubas Bill” na mag-oobliga sa ama o ina na magbigay ng sapat na suporta sa kanilang iniwanang anak ito man ay legitimate o illegitimate.

Binanggit ito nina Daza at Tulfo sa kanilang pagdalo sa policy forum ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layuning alamin ang mga posibleng paraan upang matulungan ang mga ama o ina na magbigay ng suporta sa kanilang mga anak.


Ayon kay Tulfo at Daza, sa ilalim ng “anti-balasubas bill” ay tutulungan ang mga ina o ama na magkaroon ng trabaho para makapagbigay sila ng buwanang sustento sa kanilang mga anak na hindi bababa sa 6,000 pesos o 10 porsyento mula sa kita ng ama.

Binanggit naman ni Rep. Tulfo na tuloy-tuloy ang kanilang konsultasyon sa iba’t ibang sektor para masigurong pulido ang kanilang isinisulong na batas at para matiyak ang tamang proteksyon sa mga solo parent.

Facebook Comments