Dalawang manggagawa, pinagkalooban ng bisekleta kasabay ng anibersaryo ng RMN at DZXL Radyo Trabaho

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng 68th Founding Anniversary ng Radio Mindanao Network at 2nd Anniversary ng DZXL 558 Radyo Trabaho, dalawang maswerteng listeners ang nabigyan ng dalawang de-kalidad na bisekleta.

Mismong sina DZXL Station Manager Buddy Oberas at Radyo Trabaho Head Lou Panganiban ang nanguna sa “Bisekle-Trabaho” raffle na ginanap live on-air sa programang Usapang Trabaho.

Ang dalawang maswerteng nabunot sa raffle ay sina Josua B. Icutanim, isang monay vendor na taga-Barangay San Joaquin, Pasig City at Reygene Palasan, taga- Barangay Ususan, Taguig City.


Bukod sa Bisekle-Trabaho ng DZXL Radyo Trabaho, nasa 68 special anniversary gift packs din ang naipamigay sa pamamagitan ng “Oplan Tabang COVID-19 Response” ng RMN Networks, DZXL 558 at RMN Foundation Inc.

Lubos ang pasasalamat ng RMN sa mga kompanyang nakatuwang natin sa Oplan Tabang kabilang ang Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corp.

Samantala, mahalagang bahagi rin ng dobleng-selebrasyon ang pagpapasinaya sa DZXL Honesty Store para sa mga empleyado ng RMN Manila.

Facebook Comments