Dalawang mangingisda, nasagip matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Boracay kahapon

Boracay — Nasa mabuti ng kalagayan ang dalawang mangingisda matapos na silay masagip kahapon ng tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa baybaying sakop ng Brgy. Yapak sa isla ng Boracay dahil sa malakas na alon. Matapos na malaman ang nasabing insidente ay agad naman itong nirespondehan ng mga taga Boracay Action Group-Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BAG-BFARV). Nasugatan sa paa ang isa sa mangingisda pero agad rin itong nabigyan ng lunas ng mga taga rescue team. © Rb Bachiller Boracay Action Group- Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers

Facebook Comments