Dalawang mangingisda nasagip ng PCG sa Palawan

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda sa karagatan ng Sitio Ariringon, Barangay Iraan, Rizal, Palawan.

Nakilala ang mga mangingisda na sina Regie Nalang at Reymond Talaver.

Patungo sana ang dalawang mangingisda sa Barangay Taburi, Rizal, Palawan nang magkaaberya ang sinasakyang bangka.


Agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG.

Dinala na ang dalawang mangingisda sa Barangay Iraan at nasa maayos namang kalagayan.

Facebook Comments