Ito ay ang magkapit-bahay na sina Eljame Bongcawel, 23-anyos at si Crisphine Sarmento, 40-anyos na parehong taga-Antipolo city.
kwento ni Eljame, isang taon na siyang naghahanap ng trabaho dahil isa siya sa mga nawalan ng trabaho matapos magsara ang agency na kanyang pinapasukan.
Ayon kay Eljame, kailangan talaga niya ng trabaho dahil buntis ang kanyang asawa at kabuwanan na nito sa Nobyembre.
Hanggang sa payuhan siya ng kanyang nanay norlyn bongcawel na magsadya sa DZXL, na isa sa mga masugid na tagapakinig natin.
Nakarating naman ang balitang ito sa kapitbahay nila na si Crisphine Sarmento na nawalan rin ng hanapbuhay at nangangailangan ng pantustos sa kanyang apat na anak na pawang mga nag-aaral pa.
Kaya sinubukan nilang dalawa na magsadya sa ating himpilan at hindi naman sila nabigo dahil nairefer sila ng RT Team sa BLE Best Manpower International Services, Inc.
Makalipas ang dalawang linggo ay natanggap sila bilang production worker sa isang pabrika sa Mandaluyong City at magsisimula na sila sa Lunes, June 21.
Matatandaan na si Nanay Norlyn din ang dahilan kung bakit natanggap bilang merchandiser si Romeo Glee.
Sa interview ng Usapang Trabaho, nagpasalamat si Crisphine sa magandang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanila ng Radyo Trabaho.
Hiling pa nila na mas marami pang matulungan ang radyo trabaho na tulad nilang nangangailangan ng hanapbuhay.