Dalawang maswerteng nanalo sa “Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho, sobrang saya ang naramdaman

Sobrang saya ang naramdaman nina Vhee Salazar ng Pasig City at Janreinel Sabarillo ng Muntinlupa City dahil isa sila sa maswerteng nabunot sa live draw noong Biyernes sa programang Centro Serbisyo sa Hapon para sa “Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho”.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng DZXL 558 Radyo Trabaho, sinabi ni Vhee, isang nanay at siya ang nagpost ng litrato ng kanyang anak na maraming awards, hindi niya inexpect na mananalo siya dahil sinubukan lang niya ito.

Aniya, kinukulit na siya ng kanyang 8-anyos na bunsong anak kung kailan daw makukuha ang tablet dahil excited na ito gamitin sa online class.


Dagdag pa ni Vhee, lubos siyang nagpapasalamat sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at sa opisina ni Senator Kiko Pangilinan dahil sa matatanggap ng anak niya na tablet.

Ayon naman kay Janreinel, lubos yung saya na naramdaman niya dahil nagkaroon siya ng oportunidad na manalo ng tablet at kailangan niya talaga ngayon ito.

Aniya, malaking tulong ito sa online class lalo na sa paggawa ng kanyang mga school project at activities.

Katulad lang din si Janreinel na sobrang nagpapasalamat siya sa matatanggap niyang tablet.

Kaya sa mga gusto rin manalo ng tablet, i-comment lamang sa aming official Facebook post sa RMN DZXL 558 Manila ang larawan ng estudyante sa kaniyang moving-up ceremony kasama ang medals, certificate, o awards na natanggap.

Tuwing Biyernes sa programang Centro Serbisyo sa Hapon, pipili ng mga maswerteng mananalo para sa “Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho.”

Ang “Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” ay handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa pakikipagtulungan ng opisina ni Senator Kiko Pangilinan para sa mga mag-aaral na matagumpay na nakapagtapos at may mga award mula sa kanilang paaralan.

Facebook Comments