Dumating na sa Malacañang sina US Secretary of State Anthony Blinken at US Secretary of Defense Llyod Austin, dalawa sa pinakamataas na opisyal ng Amerika.
Ito ay para makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng 2+2 ministerial dialogue ng America at Pilipinas.
Layunin ng courtesy call na paigtingin ang alyansa ng dalawang bansa sa usapin ng rules-based international order, economic ties and broad-based prosperity, at iba pang security challenges.
Si Blinken ay kilalang isang eksperto sa international relations at may malaking papel sa U.S. foreign policy.
Habang si Austin naman ay isang retired 4-star Army General at gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang African American na naging defense secretary.
Facebook Comments