Dalawang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF, arestado sa Pasay

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang high ranking officials ng CPP-NPA-NDF Southern Tagalog Regional Party Committee na sina Ernesto Lorenzo at Rosita Celino-Serrano.

Ayon kay PNP Spokesperson Bgen. Rhoderick Augustus Alba, naaresto ang mga ito nitong nakalipas na Lunes sa Nayong Pilipino, Pasay City.

Aniya, si Lorenzo ay may Warrant of Arrest dahil sa mga kasong kidnapping and serious illegal detention, at attempted murder.


Habang si Celino-Serrano na Regional Education and Propaganda Bureau Staff – STRPC at Secretary ng Islam Mindoro ay may pending na Warrant of Arrest rin dahil sa kasong pagpatay.

Pinuri naman ni PNP chief ang kanyang mga tauhang na nagsagawa ng operasyon dahilan nang pagkakaaresto sa dalawa kasabay nang pahayag na malaking dagok sa CCP-NPA-NDF ang pagkahuli sa mga ito.

Facebook Comments