Ipinag-utos ng Court of Appeals o CA na ibalik sa kanilang tungkulin sina National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Directors Atty. Reynaldo Esmeralda at Atty. Ruel Lasala.
Ito ay matapos na ipawalang-bisa ng appellate court ang utos ni Dating Justice Secretary Leila de Lima at ang pinal na desisyon ng Office of the President na nagtanggal kina Esmeralda at Lasala sa NBI.
Sa 24-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Mary Charlene V. Hernandez-Azura, niliwanag na iligal ang pagkakasibak kina Esmeralda at Lasala.
Kasabay nito ay ipinag-utos ng CA ang agarang pagbabalik o reinstatement kay Atty. Esmeralda bilang NBI Director III o Deputy Director.
Habang si Atty. Lasala, alinsunod sa RA 10867, hindi mawawala ang kaniyang seniority rights na tuloy-tuloy na parang hindi siya natatanggal sa tungkulin mula nang siya ay i-dismiss noong March 13, 2014 hanggang sa kasalukuyan at habang nakabinbin ang kaniyang apela.
Mahigpit na inutos ng CA na agad bayaran ang back wages, salaries, mga insentibo, benepisyo nina Esmeralda at Lasala.